Mga Paskil na Minarkahan ‘office’

h1

TGIF!

Oktubre 10, 2008

Biyernes na!

Sa wakas ay patapos na ang isang linggo ng dusa’t impyerno (also known as “work”). Normal nang may sa-demonyo ang lupet ng workload sa office pero may kakaibang sanib yata ang linggong ito at muntik na akong bumingo sa boss ko na walang katuturan naman ang pinagsusuplada.

Heniweys, okay na rin ako dahil bukas ay makakagala na naman ako. Pero iwas malls muna dahil wala pa akong pangwaldas at sa Martes pa ang sahod. Baka magpakalat-kalat muna ako sa mga bahay ng kaibigan para sa mga libreng pakain at panonood ng DVD. Hay… ang buhay yagit nga naman.

h1

Pakialamerism

Oktubre 7, 2008

Isa sa mga pinaka-iinisan ko sa buhay ay ang mga pakialamero’t pakialamera.

Kadasalasan pag umaga, nadadatnan ko ang lamesa ko sa opisina na may mga nakapatong na kung ano-anong papel, kadalasan trabaho. Hindi man lang nila maipasok sa in-tray ko na nasa lamesa din naman.

Pagkagaling ko naman sa lunch ay mapapansin na kung ano-anong websites ang nakabukas sa computer ko Read the rest of this entry ?