
South Luzon EXpressway to HELL!
Nobyembre 7, 2008
Isang malaking sakit sa ulo (at gulong ng sasakyan) ang hatid ng nakakahiyang SLEX. Hindi ko maintindihan kung bakit mula nung bata pa ako ay hindi na naging lubos na maayos ang highway na ito.
Kamakailan lang ay binaybay ko ito sakay ng isang Wrangler ‘battle-tank’ jeep at ramdam na ramdam ko ang bawat bako, pothole at malalaking bato na nakakalat sa daan. Dagdagan mo pa ng daan-daang concrete barriers na nakalinya sa kung saan-saang parte ng highway. Balak yata nilang ilipat ang great wall of China sa bandang Sta Rosa, Laguna.
Walang masyadong road signs, at sa gabi, sobrang nakakatakot dahil hindi effective ang mga kunyaring reflector stickers na nakakabit sa mga concrete barriers. Hindi na ako magugulat kung sa ganitong kalagayan ay tataas ang bilang ng mga aksidente lalo na’t natural na mayabang magmaneho ang mga Pinoy (mahilig humrurot, feeling nakikipagkarera, feeling gwapo).
Narinig ko sa radyo kanina na matagal nang expired ang contract ng PNCC sa SLEX at hindi na ito na-renew ng Congress/Senate. Kaya sino na ang dapat na umaasikaso/nangangalaga sa isa sa mga pinaka-importanteng pampublikong daanan sa Luzon?
Kawawang bansa.