
Magplantsa (ng Credit Card) ay hindi biro
Oktubre 25, 2008(Dahil sa may bago na naman akong bill na dumating)
Mahilig akong magwindow-shopping (habang kumakanta sa isip ko ng, “Pangarap ka na lang ba…” ni Jamie Rivera), mahilig din akong mamili ng mga bagay na kung minsan ay hindi ko naman talaga kailangan pa, at sa mga panahong ganito… mahilig din akong magbayad sa pamamagitan ng pagplantsa ng card sa cashier (swipe).
Masarap sa pakiramdam ng meron kang ’purchasing power’. Yung tipong di ka matataasan ng kilay ng mayamang (mukhang katulong) na kasabayan mong tumitingin ng pwedeng mabili sa isang tindahan. Pero ang ‘panandaliang kaligayahan’ na ito ay nagtatapos kapag dumating na ang bill mo. Worse, kung bigla kang ma-decline na sa cashier.
Dalawang beses na nangyari sa akin yung pangalawa. Yung una, di ko namalayan na maxxed-out na pala yung credit line ko. Nung maulit, maling card yung naaabot ko. Kahihiyang umaatikabo ang naranas ko sa mga sitwasyong ito, daig ko pa ang anak-pawis na nagbihis ng bonggang-kakaiba (na akala mo’y magsasayaw lang sa ASAP) sabay pasok sa Starbucks para mag-order ng “Fraffee” (fra-fee).
Lesson learned talaga. At sa lahat ng wala pang credit card, wag na kayong kumuha.
Hello,
Magugustuhan mo ito;
alasais.wordpress.com
Tem-i of Alasais