
Matakot ka sa… Strangers
Oktubre 20, 2008Medyo matagal-tagal nang mula ako’y makapanood ng sine. Hindi ko kasi masyadong type ang mga palabas (o wala lang akong oras). At dahil malapit na ang araw ng mga patay at kaluluwa, pinagtripan kong manood ng horror movie.
Nakasanayan ko na noon pa man na kung wala akong mapiling palabas ay papanoorin ko kung ano man ang pinakalapit nang magsimula. Doon ko napili ang The Strangers ni Liv Tyler. Yun na pala ang simula ng isang malaking pagkakamali.
Wala pa siguro kaming sampu sa loob ng sinehan nung screening na yun… ooops! Di magandang pangitain! Nagsimula na ang palabas… based on true events daw. Okay…
Ayoko nang i-elaborate pa ang storya… kasi para lang siyang skit. Hindi ako natakot… nagulat oo, kasi medyo freaky nga naman ang mapagtripan ng tatlong nakamaskarang tao na wala ka namang ka-ide-ideya kung bakit ikaw pa sa libo-libong tao ang napagdiskitahan. Kung napanood nyo yung Blairwitch Project film noon, parang ganun din… mas boring lang.
Hay, nakakapanghinayang..

dami na sanang dvd yun
tumpak! hehehe…. salamat pala sa pagbisita!