
TGIF!
Oktubre 10, 2008Sa wakas ay patapos na ang isang linggo ng dusa’t impyerno (also known as “work”). Normal nang may sa-demonyo ang lupet ng workload sa office pero may kakaibang sanib yata ang linggong ito at muntik na akong bumingo sa boss ko na walang katuturan naman ang pinagsusuplada.
Heniweys, okay na rin ako dahil bukas ay makakagala na naman ako. Pero iwas malls muna dahil wala pa akong pangwaldas at sa Martes pa ang sahod. Baka magpakalat-kalat muna ako sa mga bahay ng kaibigan para sa mga libreng pakain at panonood ng DVD. Hay… ang buhay yagit nga naman.
