
Bumuhos ang Bataan
Oktubre 7, 2008
Kagabi ay kinidnap ako ng aking barkada upang magsaya at uminom. Dahil sa pagod sa dami ng gawain sa trabaho ay madali akong napa-”oo”.
Una kaming pumunta sa isang Chinese restaurant para sa laman tyan. Labo-labo na ang mga order namin: Crispy noodles, sweet and sour pork, lemon chicken, dimsum, jellyfish salad, yang chow rice, hakao, spicy squid at may ilan ilan pa. Nang tumayo kami, kasing tigas na ng tambol ang tiyan ko.
Sumunod naman kaming pumunta sa isang videoke center at umupa ng isang kwarto. Kahit siksik na siksik hanggang lalamunan ang kinain kani-kanina lang ay nakakanta pa ako ng “How did you know” ni Gary Valenciano. At para lalong sumwabe ang biritan ay tumungga pa kami ng ilang bote ng beer para authentic na authentic ang ‘inumang-bayan’ feel.
Matapos ulalulong ng mga kaibigan ko na parang aso, nagpasya na kaming lumipat ng lugar. Dahil medyo may tama na ang ilan sa amin ay nagpasya kaming mag”coffee” (pasosyal accent pls). Nagsiorderan kami ng maiinit na kape para mahimasmasan, kahit na halatang imbyerna na ang barista sa gulo namin sa pag-order. Sorry miss ha, lasing na eh. Ginawa naming bundok ang kapihan dahil nagsisigawan pa rin kami at nagkakantahan. Mag-aalas dos na ng umaga nung naisipan naming umuwi, sa takot na baka mahuli na paggising para sa trabaho. Pagdating ko sa bahay, konting toothbrush, konting hugas ng mukha at sumalampak na ako sa kama, parang nabaril lang uli si Ninoy.
Pagkagising ko kanina ay dumiretso na ako sa banyo at umupo sa trono. Gawain ko yun kahit hindi ako najejerbis, para lang masabi na binigyan ko ng ‘chance’ ang wet-paks ko na maglabas ng sama ng loob. Pero kanina pag-upo ko, bumuhos ang Bataan. Kalahating oras yata akong nakaupo at medyo namamanhid na ang mga legs ko. Pagtayo ko ay para na akong nanganak. Ang pinakamasarap pa noon, napadighay pa ako, at lasang Lemon Chicken. Ayos!
ok na yan. at least sa wetpaks mo inilabas. imadyinin mo na lang kung sa bibig mo sila lumabas. yak! mas ewwww yun! (pa-conyotik)
(paconyotik) eww, as in grosss!!! hahaha