h1

Blessing in disguise

Oktubre 6, 2008

Sa kahiligan sa pagkain sa gabi, lumobo na naman ang akin tiyan. At dahil dyan, nagsikipan na naman ang aking mga damit.

Ang pinakamalupit nito, ultimo brip ko ay sumisikip na rin. Hindi na ako masyadong kumportable pag suot suot ang mga ito kaya madalas na akong nagboboxers.

Kahapon naisipan kong dumayo sa isang mall kahit na sale. Di ko ugaling gawin to dahil ayaw kong nakikipagsiksikan sa mga tao. Pero sa kung anong rason ay naisipan kong dayuhin kahit na wala naman akong dapat bilhin.

Napadaan ako sa bench para tumingin ng tsinelas na pambahay. Pero di pa man ako nakakapasok ay nakita ko na ang isang bundok ng sale na brip na 2 for P100. Syet, lulunukin ko ba ang pride ko at makikikawkaw ako sa paghahanap ng ‘perfect pair’? Bahala na.

Nagsimula ako tumingin sa isang bundok ng puting briefs. Lahat small, at wala na sa packaging nila. Naisip ko bigla yung mga nakaraang underwear shows nila at baka yun pa yung mga pinagsusuot ng mga models. Agad kong binitiwan ang mga hawak ko na at lumipat na lang dun sa mga hindi na 2 for P100 pero nakapack pa rin. Buti na lang at mura pa rin naman sila. Nagkukuha ako ng marami hanggang sa mukha na akong milyonaryo sa mga brips na hawak ko. Dumiretso na ako sa counter at napagastos ng halos P1,000 sa mga sale na briefs. Hindi ko masyadong hilig ang masidenyong klase pero kinuha ko na rin dahil size ko naman.

Swak naman ang mga pinamili ko at muntik na rin akong magfashion show pagdating sa bahay. Hay… ganun pala ang feeling ng ukay-ukay.

2 mga puna

  1. hindi ako naniniwala na nakabili ka ng mga bagong brip!

    pwera na lang kung may picture kang ipo-post dito sa blog mo na suot-suot ang mga birp na yun. tu si es tu bilib.

    piktyurrrrr!


  2. wahahaha! conservative ako eh… pero totoo yun… pramis! hahaha



Mag-iwan ng Puna