h1

Sahod mga Kapatid!

Setyembre 28, 2008

Papuri sa Diyos at bukas ay sweldo na namang muli!

Dahil dyan:

1. Mahaba na naman ang pila sa mga ATM booths.

2. Marami na namang ATM booths na hindi papaganahin (ng sinasadya).

3. Maarte na naman ang mga ATM sa pagtanggap ng cards na hindi directly kanila (BPI express teller lang pang BPI ATM booth, kahit na ka-Megalink pa o ka-Bancnet ito).

4. Dudumi na naman ang mga ATM booths (maraming magchecheck ng balance, magpiprint ng receipt, lalamukusin at itatapon ang receipt, magwiwithdraw ng pera, magpapaprint ng receipt, itatapon ang receipt, magchecheck uli ng balance, magpapaprint ng receipt, lalamukusin ang receipt at itatapon.

5. Mayabang na naman ang mga taxi drivers. Mamimili sila ng pasahero ngayon dahil may pera ang mamamayan.

6. Mayabang ang mga pasahero sa pagpara ng taxi dahil kakasweldo lang.

7. Buhay ang mga kainan at tambayan dahil may panggastos.

8. Masaya ang mga mall-owners dahil kahit papaano, 1/3 man lang ng mga taong dumadayo sa malls ay makakabili ng anuman.

9. Masaya ang mga may pautang dahil may dagdag kita na naman sila.

10. Malungkot ang mga lubog sa utang dahil sa bayarin lang mapupunta ang pinaghirapang pera.

Mag-iwan ng Puna