h1

Pancake Sandwich with Cheese

Setyembre 28, 2008

Isang umaga, nagkayayaan kaming mag-kaka-opisina na magpadeliver sa Jollibee. Pagkalista ng orders, ako na ang nautusang tumawag (dahil ako rin ang madalas magpadeliver). Hindi ito ang eksaktong dialog pero ang pagsasalaysay ay hindi exaherado:

Jollibee Operator (JO): Good morning, thank you for calling 87000 Jollibee delivery, this is Chenelyn (di tunay na pangalan) how may I help you?

Ako na Nagpapadeliver (AN): Telephone number 9872349 (hindi tunay na work phone number), name is Melencio Banal (di tunay na pangalan).

JO: (May accent, ha) Verify ko leng pow Mr Meylenshow, same delivery edress pow buh? 88th Floor, Shevrelou Vilding, Eclover Street, Mehkehty Ceetee?

AN: Oo.

JO: Olrayt thank you for dat informesyon Mr Meylenshow, em redy two tek your horders.

AN: Dalawang pancake sandwich with cheese…

JO: (kahit hindi pa ako tapos magsalita) Sir, afun checking in our systehm, wolla na pong aveyleble na pancake sandwich for delivery…

AN: Ganun ba Chenelyn? Sige wag na lang.. (sabay baba ng phone)

At dahil sa gusto kong kumain ng Pancake Sandwich (with Cheese, tapos large na yung drink, coke) ay ako na mismo ang sumugod sa pinakamalapit na branch mula sa opisina. Meron silang pancake sandwich, at sa totoo lang, maraming nakaready for order.

Pagbalik ko sa opisina, tumawag uli ako, hinanap ko si Chenelyn.

AN: Chenelyn, FYI lang ha, sa Jollibee Villar merong Pancake sandwich, madami.

Ang epal ko naman. Pero mas epal yung ayaw gawing available for sale kahit na available naman siya sa store.

Mag-iwan ng Puna