Archive for Setyembre 27th, 2008

h1

Panimulang Bilang: Ang alamat ng blog na ito

Setyembre 27, 2008

Isang maulang hapon ay naisipan kong sumilong sa isang pamosong kapihan na noong panahong iyon ay naglalaman ng mga pasosyal na kostumer na kunwaring busy-busyhan sa paglaptop, pagbabasa, o pagtetext habang tinitipid ang pag-inom sa isang maliit na baso ng kape.

Ako naman, dahil nagpapatila ng ulan at medyo gutom na ay napaorder ng pagkain at maiinom, hindi ko kasi trip ang tumambay na nakatanga sa loob ng kainan, mukhang tanga. Read the rest of this entry ?

h1

Boobies Inasal

Setyembre 27, 2008

Isa sa mga nakakaasar na katangian nating Pinoy ay ang paniningit.

May lingguhang tyangge-an sa Makati na tinatawag nilang “market”. Wag mong babanggitin ang salitang “tyangge” at baka kumunot ang mga nakabotox na noo ng mga matatandang nagpapa-epalan (este, nagbebenta). Madalang akong dumalaw doon dahil sa pare-pareho lang naman ang tinda linggo-linggo. Pinupuntahan ko lang talaga kung may gusto akong kainin na alam kong doon ko lang makikita. Read the rest of this entry ?