h1

Missing the Green Light

Nobyembre 16, 2008

TriNoma’s first mall-wide sale is at its end and I was a total No-Show.

It was partly because of the hearsays regarding a planned terrorist attack (particularly in Ayala Center, Makati) sometime this month. A scanned copy of the memorandum (supposedly for PNP circulation only) is now being forwarded by friends, family and colleagues to almost everyone who is residing, working or shopping in that area. Although TriNoma is far from Makati, it can still serve as a good target. Scary!

It was also partly because of my sudden urge to lessen my expenses. December is fast approaching and if I continue my ‘maluhong’ lifestyle, I may find myself broke on Christmas.

And it was also because of my anticipation that TriNoma will again be overly crowded with people (not necessarily shoppers) from the parking area to the farthest corner of the mall.

Anyway, does anyone know when TriNoma will be included in SureSeats.com?

h1

FashionNATIONALista

Nobyembre 16, 2008

Dora plantsadora can’t help but notice the new pieces in my wardrobe.

“Since when did you become an expressive nationalista?”

My first Philippine-map embroidered C2 shirt was bought on impulse. Now I have 6 shirts of different colors and designs. I love what Rhett Eala came up with for Collezione. It’s something that is expressive but not cocky. It’s a garment that will make a statement, with taste. Proudly Philippine made and can be worn proudly by a Pinoy.
   
Quality is assured. At Php750.00 (more or less), it’s a good investment considering that the shirt style never goes out of fashion.

h1

Random Dialogues: Starbucks Planner 2009

Nobyembre 16, 2008

Yesterday, my friends Vivora* (broker), Pachuchai* (flight attendant), Daddo* (bum) and I met at Starbucks somewhere in Legaspi Village for some coffee:

Vivora: Oi! Look at the new Starbucks Planner!

Vivora’s loud ‘announcer sa Bingguhan sa probinsya’ voice got everyone (even the people at the next table) looking at the counter.

Daddo: Is it a set, or does it come in three colors?
Giuseppe: I think you get to choose one…
Vivora: I like the red one, very trendy…
Pachuchai: Starbucks ‘is’ trendy. I don’t think they have it elsewhere.
Giuseppe: I spent a fortune just to get one last year. I ended up not using it at all.
Daddo: So, will you get one this year?
Giuseppe: I don’t think so.
Pachuchai: No, I’m leaning towards drinking water na lang.
Vivora: I think I’ll just buy a planner at Fino.
Giuseppe: Amen!

We all finished our Christmas coffee blends and went back to our own lives.

*Not their real names

h1

Movie House Boo-Boos

Nobyembre 9, 2008

Dahil hindi na mura ang panonood ng pelikula sa sinehan, dapat lang na masulit ang bawat pagkakataon. At kung mamalasin ka nga naman ay mararanasan mo pa ang mga sumusunod: Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

South Luzon EXpressway to HELL!

Nobyembre 7, 2008

2199548253_21f4d2db93Isang malaking sakit sa ulo (at gulong ng sasakyan) ang hatid ng nakakahiyang SLEX. Hindi ko maintindihan kung bakit mula nung bata pa ako ay hindi na naging lubos na maayos ang highway na ito. Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Uso pa rin pala ang sex scandals

Nobyembre 2, 2008

bombaStatement ni Criselda Volks sa interview sa kanya tungkol sa kanyang video sex scandal: Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Tagay sa Undas

Oktubre 31, 2008

lashPauwi ako galing trabaho at kapansin-pansin na kakaunti na lang ang mga taong nag-aabang ng masasakyan. Parang Sabado ng gabi sa Makati ang eksena, at ang dali kong nakakuha ng taxi.

Tahimik at nakapatay ang radyo. Hindi na rin ako nag-iPod dahil medyo masakit ang ulo ko. Pero imbis na magpadiretso sa bahay ay naisipan kong magpahatid sa may bandang Banawe para tumungga muna. Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Sweldo!

Oktubre 31, 2008

419050330_27d0a2c69dYehey! Sweldo na naman! Mayaman na naman si Mang Jose!

h1

Magplantsa (ng Credit Card) ay hindi biro

Oktubre 25, 2008

(Dahil sa may bago na naman akong bill na dumating)

208143348_02dd36f892_oMahilig akong magwindow-shopping (habang kumakanta sa isip ko ng, “Pangarap ka na lang ba…” ni Jamie Rivera), mahilig din akong mamili ng mga bagay na kung minsan ay hindi ko naman talaga kailangan pa, at sa mga panahong ganito… mahilig din akong magbayad sa pamamagitan ng pagplantsa ng card sa cashier (swipe).

Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Savor the insecticide in your Nissin’s Cup Noodles!

Oktubre 25, 2008

2462585030_2172a9efc1_oTotoo!  Japan’s Nissin company said it was recalling half a million (!!!) cups of instant noodles over fears of insecticide contamination in the latest food safety scare to rock the country’s consumers as a 67 year-old woman vomited and felt numbness on her tongue after eating Nissin’s Cup Noodle in Fujisawa, Tokyo. Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Enjoy now, suffer later

Oktubre 24, 2008

Bipdabala sa mga mahilig makinig ng music/tugtog/ingay (lalo na kung malakas) gamit ang headset o kung ano pa mang gadget na kinakabit sa tenga. Ayon sa mga saliksik, ang pakikinig sa mga MP3 players ng malakas, kahit na ilang oras lang sa isang linggo, ay pwedeng magdulot ng permanenteng pinsala sa pandinig!

h1

Yao undertakes Zest Air refleeting plan

Oktubre 23, 2008

 (From Manila Standard)

ZEST Airways Inc., formerly Asian Spirit, has taken delivery of five new aircraft as part of a refleeting program that aims to capture a 10-percent share of the low-cost air travel market.

Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Refrigerator Dinner

Oktubre 22, 2008

“Giuseppe, gumala kami, walang pagkain, bahala ka na…” ang sabi ng note na sulat ni mommy groovy. Nadismaya ang tiyan kong kumakalam na sa gutom.

Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

PAL Express

Oktubre 22, 2008

Anyone who tried PAL Express already?

Masaya ba?

h1

Matakot ka sa… Strangers

Oktubre 20, 2008

Medyo matagal-tagal nang mula ako’y makapanood ng sine. Hindi ko kasi masyadong type ang mga palabas (o wala lang akong oras). At dahil malapit na ang araw ng mga patay at kaluluwa, pinagtripan kong manood ng horror movie.

Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Kwentong Barbero

Oktubre 19, 2008

Buwanan lang ako dapat kung magpagupit dahil mabagal tumubo ang buhok ko. Hindi rin ako experimental sa hair styles and hair treatments gaya ng ibang mas balidosong lalaki. Simpleng barber’s cut lang at okay na ako.

Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

ZestAir!

Oktubre 13, 2008

From Cocktales (Manila Standard Today)

According to the industry grapevine, Yao has ordered five MA60 turboprop planes from Xian Aircraft, two of which apparently have been delivered and now in the hands of the Zest-O juice owner.

h1

Teacher (Text Joke)

Oktubre 10, 2008

Teacher: Question! What do you call a person that talks and talks even if no one is listening?

Juan: (raises hand) Ma’am! Teacher!

(everyone laughs)

Teacher: Hahaha! Get one sheet of Manila paper… long quiz!

h1

TGIF!

Oktubre 10, 2008

Biyernes na!

Sa wakas ay patapos na ang isang linggo ng dusa’t impyerno (also known as “work”). Normal nang may sa-demonyo ang lupet ng workload sa office pero may kakaibang sanib yata ang linggong ito at muntik na akong bumingo sa boss ko na walang katuturan naman ang pinagsusuplada.

Heniweys, okay na rin ako dahil bukas ay makakagala na naman ako. Pero iwas malls muna dahil wala pa akong pangwaldas at sa Martes pa ang sahod. Baka magpakalat-kalat muna ako sa mga bahay ng kaibigan para sa mga libreng pakain at panonood ng DVD. Hay… ang buhay yagit nga naman.

h1

Ano ang mas parusa?

Oktubre 10, 2008

Ano ang mas parusa: Ang makasakay ka sa taxi na…

amoy anghit o amoy utot?

Conditions:

1. Tanghaling-tapat, mainit, walang ibang taxi na available.

2. Walang kamalay-malay ang driver (either sa kanya nanggaling, o nakadikit na ang amoy sa taxi).

3. Mahina ang air-con (kaya lalong sumasangsang ang amoy).

h1

SM na naman!

Oktubre 8, 2008
From COCKTALES (Manila Standard):
Taipan Henry Sy hopes to even up the LRT advantage of the Ayala’s Trinoma mall by opening an SM Hypermart at the LRT station of Edsa and Quezon avenues in the upcoming 12-hectare commercial-residential complex being developed by fellow taipan Lucio Tan.
Huwaw! Parang bawat kanto ngayon may mall na!
h1

80 days before Christmas

Oktubre 7, 2008

Syempre BER months na, at panahon na naman para mangarap ng mga materyal na bagay na gusto natin matanggap sa Pasko. Medyo swerte ako kasi December din ang birthday ko. Medyo malas kasi imbis na dalawa sa isang taon ang nakukuha kong regalo, isa lang, pinagsasama/pinagsasabay.

Naging mabait naman si Lord sa akin at kahit papaano ay karamihan sa mga wishlist ko last Christmas ay natanggap ko naman, pero sana wag siyang magsawa sa pagdinig uli ng mga nais ko ngayong Pasko: Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Pakialamerism

Oktubre 7, 2008

Isa sa mga pinaka-iinisan ko sa buhay ay ang mga pakialamero’t pakialamera.

Kadasalasan pag umaga, nadadatnan ko ang lamesa ko sa opisina na may mga nakapatong na kung ano-anong papel, kadalasan trabaho. Hindi man lang nila maipasok sa in-tray ko na nasa lamesa din naman.

Pagkagaling ko naman sa lunch ay mapapansin na kung ano-anong websites ang nakabukas sa computer ko Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Bumuhos ang Bataan

Oktubre 7, 2008

Kagabi ay kinidnap ako ng aking barkada upang magsaya at uminom. Dahil sa pagod sa dami ng gawain sa trabaho ay madali akong napa-”oo”.

Una kaming pumunta sa isang Chinese restaurant para sa laman tyan. Labo-labo na ang mga order namin: Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Totoo ba?

Oktubre 6, 2008

Totoo ba na ang biglaan pag-uwi ni Manny Pacquiao kamakailan ay dahil sa pi-null-out niya ang lahat ng pera niya sa Metrobank dahil connected daw ang bangko sa Lehmann Brothers na tampok ng mga balita sa Tate?

h1

Blessing in disguise

Oktubre 6, 2008

Sa kahiligan sa pagkain sa gabi, lumobo na naman ang akin tiyan. At dahil dyan, nagsikipan na naman ang aking mga damit.

Ang pinakamalupit nito, ultimo brip ko ay sumisikip na rin. Hindi na ako masyadong kumportable pag suot suot ang mga ito kaya madalas na akong nagboboxers. Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Pancake Sandwich with Cheese

Setyembre 28, 2008

Isang umaga, nagkayayaan kaming mag-kaka-opisina na magpadeliver sa Jollibee. Pagkalista ng orders, ako na ang nautusang tumawag (dahil ako rin ang madalas magpadeliver). Hindi ito ang eksaktong dialog pero ang pagsasalaysay ay hindi exaherado: Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Sahod mga Kapatid!

Setyembre 28, 2008

Papuri sa Diyos at bukas ay sweldo na namang muli!

Dahil dyan: Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Panimulang Bilang: Ang alamat ng blog na ito

Setyembre 27, 2008

Isang maulang hapon ay naisipan kong sumilong sa isang pamosong kapihan na noong panahong iyon ay naglalaman ng mga pasosyal na kostumer na kunwaring busy-busyhan sa paglaptop, pagbabasa, o pagtetext habang tinitipid ang pag-inom sa isang maliit na baso ng kape.

Ako naman, dahil nagpapatila ng ulan at medyo gutom na ay napaorder ng pagkain at maiinom, hindi ko kasi trip ang tumambay na nakatanga sa loob ng kainan, mukhang tanga. Basahin ang karugtong nitong lahok »

h1

Boobies Inasal

Setyembre 27, 2008

Isa sa mga nakakaasar na katangian nating Pinoy ay ang paniningit.

May lingguhang tyangge-an sa Makati na tinatawag nilang “market”. Wag mong babanggitin ang salitang “tyangge” at baka kumunot ang mga nakabotox na noo ng mga matatandang nagpapa-epalan (este, nagbebenta). Madalang akong dumalaw doon dahil sa pare-pareho lang naman ang tinda linggo-linggo. Pinupuntahan ko lang talaga kung may gusto akong kainin na alam kong doon ko lang makikita. Basahin ang karugtong nitong lahok »